tinatamad na ako magblog… hehehe… medyo…

ok.. tinatamad na ako magmaintain ng tatlong blog… so BAKA di na ako magsulat dito maxado… saka sa isa ko pang blog… dun na lang ako sa main magsusulat… hehehe.. pero baka magsulat rin ako dito paminsan minsan… wala naman pipigil sa akin di ba? duh!!!

newei, para sa mga taong nagbabasa talaga ng blog… hehehe pde niyo mabasa rantings ko dito: naomi22.blogspot.com

ayun lang… happy reading… and happy holidays!

Advertisements
Posted in BUHAY KO SA KASALUKUYAN... hmmm.... | Leave a comment

parang sausage ang daliri ko

takte! ang aking pinky ay tila longanisa extension ng aking left hand!  hindi na siya masakit gaano pero pag nahihila talaga…. ARAAAAAAAAAY!!!!

kanina sinubukan ko magluto at maghugas… ok naman sa paghuhugas at pagluluto.. kaya lang ng trinatransfer ko na yung corned beef sa pinggan (directly from the pan) biglang… ATE MYLAH!!!! TULONG!!!! (hehhe kasama ko cousin ko ngayon…)

di kinayanan ng kaliwang kamay ko so yung kanan ko yung pinangsupport ko… eh wala naman magkukutsara ng corned beef from the pan to the plate kaya i needed help… wehehe.. syete ang loser ko ngayon… i’m so weak!

… for now…

pero anyway kaya ko pa rin naman manghampas if kinakailangan at kaya pang mangurot ng kanang kamay ko… so.. i think i’ll manage with my longganisa pinky…

Posted in BUHAY KO SA KASALUKUYAN... hmmm.... | Leave a comment

aray!!!

takte ang sakit ng left pinky ko!!! sapul kanina ng bola! syete… nsa loob na ng mitt ko yun ha! syete unang bola pa lang na dumiretso sa akin nasapul na ako… ayan wala akong grip hanggang ngayon.. syete sinusubukan ko isara yung buong kaliwang kamao ko pero sobrang nanginginig na parang ewan…

kaya di pa rin ako makatype ng matino.. ambagal ko magtype kasi pag nahihila siya o nagagalaw ng mali ay….. isang malaking ARAY!

anyway… pati utak ko… ARAY!!!! ang sakit! na-aasar na ako sa thesis namin!!! putris na base station ayaw maconfigure sa manila observatory… ang nakakaasar… gumagana siya sa CTC! pakshet…

anyway… one week na lang finals na… then sem break na!!! yehey!!!

grabe ambilis ng september… smantalang yung august ambagal bagal… pagdating ng september parang whooooosh! ok september 30 na… hehehe langya di ko talaga namalayan… pramis!!! takte talaga pag dami kasi talagang requirements… before live for the week ako…. ngayon, di na ako naglolook forward sa next week… ginagawa ko na lang maglook forward sa next submission ng next requirement in line… kumbaga… live for each requirement na ako ngayon… hindi na live for the week…

pero ang problema ngayon ay… MASAKIT ANG PINKY KO! ARAY! para tuloy akong sosyalera na nakaangat parati ang pinky.. shetpak…

Posted in Uncategorized | 2 Comments

panahon na naman…

panahon na naman…

  • ng mga gabing alang tulog… at kung matutulog ka man ay maguiguilty ka pa…
  • na computer na ang bespren mo…
  • nang mabilisang pagkain para di sayang sa oras…
  • nang bihirang paguwi mo sa bahay dahil sa mga overnights…
  • nang pag-uwi ko ng late [kung uuwi man at kung hindi ia-approve ang move ng tchrs na ilimit ang paggamit ng labs to 6pm na lang sa students] dahil sa mas practical magnet sa lab sa school kasi mas mabilis dun… isipin niyo 100Mbps vs 54 kbps? san kayo? (sori dial up lang ako na prepaid… mahirap ang buhay…)
  • para murahin mo ung mga adik na tchr na no life kung kaya’t ang dami daming req’ts (to the point na di na makita ng students ang point ng pinapagawa niya… b*rns nababasa mo ba to?!!! takte ka!) dahil akala nila no life din gaya nila ang students nila… kulang na lang… ipakulam mo sila…
  • … oo panahon na naman… panahon na naman ng… PROCRASTINATION…
Posted in Uncategorized | Leave a comment

COME TO THINK OF IT daw…

sasagot muna akong survey dito sa blog ko… procrastronic mind ako ulit ngayon…

1.whose pic in your cell wallpaper right now?
** hindi pic ng tao ang nasa cell wall paper ko…

2.what time do u usually sleep?
** 1-4AM

3.what did u do right before filling this?
** surf the net

4.whom did u meet lately?
** hmmm… as in last nakita? taxi driver na naghatid sa akin pauwi kaninang alas dos y media ng umaga…

5. if u ever need someone, whom do u contact
usually?
** papa, minsan si mama… (hehehe…)

6. what are u thinking right now?
** TANGTAKTE yung tchr namin….

7. who is the person u hug when u need a hug?
** mama ulit… friends… yung mga pleasantly plump gaya ko… hehehe sarap kasi yakapin yung medyo tabatchoy daming kutson…

8. last movie u watched?
** hmmm… charlie and the chocolate factory ata…

9. at what age did u start to sleep alone?
** around 6-7 yrs old …

10. what do u want to do now?
** as in NOW?  eat… di pa ako kumakain ng real food since yesterday (early) afternoon dahil sa takteng long test namin…

11. what do u do everyday besides sleeping and
eating?
** quoting a friend… "wee-wee and poo-poo" hahaha!

12. what activity u hate the most?
** hate? too strong a word… dislike na lang… washing the dishes…

13.fave pet?
** puppy… pag dog na siya… hmm… ayoko na… hehhee unless cute pa rin…

14.what color makes u happy?
** orange… di ko lam bakit…

15. fav thing in your room?
** my hedwig pillow and nemo blanket… minsan kahit sa overnights dala ko pa sila… saka ung laptop ko… (nax! o ha laptop! peborit kita!)

16.what was the last thing u bought for your room?
** hmmm… baygon… wehehe…

17.instrument in your room?
** anong instrument pinagsasasabi mo! klaruhin mo naman! does nail cutter count? instrument for cutting one’s nails… o kaya water dispenser… instrument for giving me water… o kaya ref, instrument for keeping my food cold… dami instrument dito… hehehe… teka musical instrument ba? hmmm radyo, TV, PC, laptop… pde na ba yun? ah saka ngala ngala ko… hahahaha!

18.d’u cook? what was the last menu?
** i cook… been a long time since i cooked REAL food though… last thing i cooked was kanin…

19.miss someone?who?
** hmmm… friends from everywhere… specific someone? hmmm… ewan…

20.plan 2 buy something?
** yep food.. pag tinamad ako magluto… else… wala…

21.are u satisfied with your life now?

** SIYEMPRE NAMAN!!! di masisira ang buhay ko dahil lang sa mga tangtakteng eps na tao…

teka bakit 21 lang tanong… dagdagan ko para 22…

22. bakit mo dinagdagan ng tanong?
** KASI NGA GUSTO KO 22!!! kulit!

Posted in Uncategorized | Leave a comment

ang pag-alis ng isang kaibigan…

kakaalis lang kahapon, Sunday, ni Pia… pumunta na xang France para dun ituloy yung CE namin… kakainggit no? saka kakamiss rin… 4-5 yrs na kaming magkaibigan ni Pia, at sa loob ng apat-limang taon na yun… di pa kami nagkakahiwalay nang mahigit sa isang buwan… pano ba naman? pati summer ay req’d kaming pumasok dahil sa dakilang curriculum namin… ang naalala ko na pinakamatagal na di kami nagkita ay yung isang sembreak na 3 weeks long saka ung after grad kasi umuwi ako sa amin…

sino nga ba si Pia? si yats? si piayot? si piatot? si P-I-A? si P? well, nakilala ko xa ng college kasi blockmates kami… di namn kami naging tight agad… iba kasi crowd namin nung start… kasama niya xempre mga pisay diliman (galing siya dun)… ako naman ung mga pisay tacloban atbp…(hehehe actually 2 lang kaming pisay tacloban sa block namin [ako at si jan] … si magic, lanox at jel kasi ay nasa kabilang block… although later nung 3rd yr ay isang block na lang kami…)… naging magkabatak lang kami nung summer of second yr… magkaklase kami sa PE101 at req’d kami gumawang presentation na astig… ang ginawa namin ay isang mini-movie na pinamagatang GAGAMBOY na inerelate namin sa PE… hehehe kakalabas pa lang kasi ng spiderman nun… YES LADIES AND GENTLEMEN…. mas nauna kami kina vhong navarro na gumawa ng movie with the same title… tsk tsk tsk dapat pinacopyright namin ung title para naman nasingil namin ang star records (tama ba?)…

so ayun… sa "THE MAKING" ng aming movie debut… dun kami nagstart na maging magkasama-sama… hehehe magkadikit na kami ever since… overnights sa kanila at dito sa bahay  kapag may exams o kaya kung di pa kami namamatay sa acads load… overnight kung trip lang… hehehe although rare to… saka siyempre… SWIMMING!!!! mga adik kami sa tubig… telebabad sa fon.. share share ng crushes… yeah high school stuff in college… pero ok lang… hehehe.. BUHAY NAMIN TO! wag kayong makialam… basta madami na rin experiences ang nashare namin along with our other blockmates… saka naku! naipakilala na nga rin niya ako sa kanyang best friends… ANG 4 na nilalang ng meris… hehe sina ayen, ghe, joanne, at siyempre pa si pima… na naging mga kabigan ko na rin… hehehehe abnormal rin kasi ung mga yun… astig gaya namin syempre… saka nakasama na nga to sa akin pauwing catbalogan eh… saka ako naman nakasama na rin sa pamilya niya dun sa bicol… hehehehe… nagtutor kami together… pero eventually ako ay nagstop dahil di maxado kinayanan ng powers ko… pero si piatots ay nagtutor pa rin until ngayong 5th yr bago xa umalis… ganun siya katindi… naging presidente na rin to ng STOA… org ng DOST scholars… hehehe… pero before pa xa naging president… secretary pa lang ata xa nun.. ako rin ay naging honorary member ng org na yun at hehehe naging officer KUNO… nagkatulungan rin kami sa projects… basta madami na… nakita niya na ako umiyak ng maraming beses… dahil sa malulungkot na moments ng buhay ko… andun kasi siya to cheer me up and try to let me see na meron pang next bukod sa sitwasyon kung saan ako currently stuck… nakita niya na rin ako umiyak because of sad movies… pero xa… ewan.. kahit malaki yung mata niya… hehehe… maliit naman ata tear ducts… never ko ata xang nakitang umiyak… except nung paalis na siya ng france…at siyempre umiyak din ako… hehehe babaw kasi luha ko… at andun na rin ung mamimiss ko xa… naiimajin ko na kasi yung 10 buwan ahead of us na wala xa eh… mahirap… pero kelangan lampasan…

saka buti na rin lang meron pa akong ibang mga kaibigan na andito at kasama ko… obviously this post is for pia… P… so long… we’ll be waiting for your return… and as the french say…

au revoir…

Posted in BUHAY KO SA KASALUKUYAN... hmmm.... | Leave a comment

kelan ba ako lulubayan ng labreports?!

eto na naman ako… nagproprocrastinate na muna… check ng friendster acct kung me bago sa bulletin… kung me bago testi.. kung me bago na msg… kung me bago na frndstr rqst… hehehe… as usual ala lahat except the latter… meron bago frndstr rquest kaya lang di ko naman kilala kaya ala rin kwenta…

tapos na ako magpost ng blog ko sa isa kong journal at nakakasawa naman dun na… so dito naman ulit… hehehe tagal din akong di nagpost dito… hehehe nag-attempt kasi ako na di icheck yung acct ko for a week kaya lang di ko kinaya… wehehe… 1 and a half day na ang max… actually sa tingin ko, kaya ko naman kahit pa nga 2 months eh… kaya lang YUN AY KUNG WALA AKONG ACCESS SA NET for 2 months… kaya lang since meron…..

haaay… andito ulit ako kasi nasa part na ako ng labreport na mag-iisip na ako… kaya lang tinatamad pa ang utak ko… siguro mamayang 3 pa to magiging in the mood for thinking about acads… kanina pa ako paikot ikot dito sa net.. blogs… google… blogs… YM… yahoomail… gmail… hotmail… google ulit… wikipedia… google ulit… friendster… google… yahoomail… blogs…. etc… di ko rin naman trip maglinis ng files ko ngayon kasi nga me labrep pa ako… at pag nagstart ako magclean up… siyet.. hirap tumigil… ok na tong blog pde akong tumigil anytime di na trip ng utak at ng mga daliri ko na magkwento ng mga alang kwentang kwento gaya nito sinusulat ko ngayon…

siya ikwekwento ko na nga yung araw ko…

    hmmm… yun dumating ako kahapon dito sa bahay ng mga around 4… nakasabayan ko pa kapatid ko pag-akyat dito sa unit namin… hehehe binisita niya kasi ang kanyang dear sister (moi!)… hehehe actually wala lang siyang magawang matino dun sa boarding house nya kaya pinepeste niya ako… (labyah brey!)…
    anyway so ayun me dala akong ice cream kain kami… net ako andali… then nood tv… net naman siya habang nood akong tv… away kami… net pa rin siya… tulog naman ako… wehehe… ayun naubos prepaid ko sa net.. nyahahaha! di niya ako makulit kasi nga nag-away kami.. kaya siguro natulog na rin siya…
    nagising ako 6… check fon… me msg… reply… inaway ulit kapatid kasi hindi man lang isinara yung ilaw.. buong gabing naka-ON! sayang sa kuryente!!! (kahit di pa talaga pera ko ang ginagamit sa pagbayad ng kuryente… AKO PA RIN NAGBABAYAD! masakit sa mata ang makitang lampas 2000 ang binabayaran ko on kuryente alone!)… tulog ulit after i-bull out ang sister dear… mga 10 ginigising na ako ni dear sister kasi bored to death na siya… walang matinong palabas at napanood na niya lahat ng VCD at DVD sa bahay… at walang net!… hehehe kinukulit na ako kung pde raw b akong umutang sa kaklase ko ng internet load… babayaran na lang daw niya (O HA!? astig talaga pag me away muna kasi bumabait pag me kelangan sa yo… TEKA!!! di ako binayaran ng bruhang yun ah… di bale babalik naman un next week.. wehehe…pde ko pa masingil)… hehehe di ko pinansin… tulog lang ulit ako…
    12 nn…. naawa na ako… binigay ko fon ko with instructions kung sino ittxt at kung ano sasabihin… tulog ulit… 1 PM… tayo na ako kasi nagrereklamo na pantog ko… kaya lang di dumating yung load till mga 6PM kaya naburo si dear sister kakalaro ng russian square dito sa laptop ko… nood naman ako tv… di ko na maalala pinanood ko… kain kami ng natirang ice cream… ako naman ang naglaro… siya naman sa tv… hehehe kinulit ko siyang magluto ng pancit canton…at dahil super BAIT siya… nagluto din… hehehe pinahugasan ko na rin ung mga nasa sink na dapat hugasan (alam ko me sinabi ako kaya lang di ko maalala kung ano talaga ang nakakumbinse sa kanya na gawin lahat yun… ay teka naalala ko na! hiniram niya yung isang blazer ko… ok lang kasi di ko naman gagamitin this week… tshirts and pantalon lang ako these days…)…
    tumawag si mama… nasa tacloban daw siya for lunch kasama mga kaibigan niyang doctor at kasama rin ung isang tito namin… langya lunch lang tacloban pa… then dinner daw sila sa ormoc… ewan ano naman happening sa nanay ko.. basta ayun lakwatsa na naman siya… sinabihan akong ihatid si dear sister sa sakayan pero di ako pumayag kasi kayang kaya na naman yun ng kapatid ko…. nagiinarte lang… nasipa ko tuloy (literal… kung kaya’t nag-away ulit kami) ang ingay ingay rin kasi… (hehehe nagmana sa ate)… ayun pasa pasa yung fon sumbong ke mama etsos etsos… napagkasunduan na bibigyan ko na lang ng pera… haay damage na naman ung pambayad ko ng phone bills… ok lang papadala naman daw si mama ng pera…
    magkagalit pa rin kami… naligo na xa… maya maya na-e-ebs na ako… kaya lang andun pa rin siya at ume-ebs din… kinukulit ko na lumabas na… hehehe eventually lumabas rin.. ebs muna ako then ligo para ihatid siya sa sakayan… hehehe nakonsensya kasi ako nang naliligo siya kung bakit ko pa siya sinipa(sana di niya mabasa tong part na to)… siyempre di niya alam ung plano ko na ihahatid ko siya… ayun paglabas ko… nakahanda na siyang lumayas… pero naka-ON Tv… chinika ko muna… bati na ulit kami… nood muna kami ng tv… palabas kasi ang kanyang peborit na Q-pids… haaay… the things i do for her… ayun… since bati na ulit kami… nawala na ang pagkakonsensya ko earlier so cancel ulit yung plano ko na ihatid siya.. hehehe kiss na lang ke ate at bigay ng pera… ginawa ko ng barya yung kalahati para di na humingi dagdag na pera kasi ako naman ung mawawalan ng pera… ayun… umalis rin… txt ko xa na magtxt sa akin kung dumating na xa boarding house niya… tahimik na namn ang bahay.. kakamiss tuloy si bruha… laro muna ako laptop… after an hour.. nagtxt si dear sister na dumating na xa… ok… no worries na..

    nood tv… habang net…. ngayon… andito… sige alas tres na … gawa na ako ulit ng labrep… haay naku… sabi nga ng isang kaibigan ko… feeling ko tuloy AB CREATIVE WRITING tong kurso ko dahil sa progress reports at labreps… siya siya.. pag di ko na matiis baka magshift na ako… hehehe teka… last year ko na pala… so di bale na.. tiisin ko na lang… saka… hehehe kapos ako sa creative juices… nasa kapatid ko ata lahat ng creative juices eh… o well… teka stop na baka me masabi pa akong mabasa niya… tapos mahihirapan na akong apihin siya sa future.. love you sis! (in case mabasa nya to… hehehe… SANA HINDI…)

Posted in BUHAY KO SA KASALUKUYAN... hmmm.... | Leave a comment