mga bagay na kung mawawala ay MAHIHIRAPAN akong mabuhay sa kasalukuyan…

  1. laptop ko (hindi ko siya pdeng tawagin na notebook dahil makukuba ka kung susubukan mo xang buhatin buong araw)
  2. globe phone ko (kahit wala xang load… andito lahat ng numero nga contacts ko… dati may kopya ako sa PC ng mga numero ng contacts ko kaya lang tinamad ako magtransfer ng nums kasi ang daming taong tatanga-tanga o kaya naman ay mayaman na papalit palit ng mga numero nila kung kaya naman at nalilito tuloy ako kung saang numero ko sila kokontakin)
  3. wallet ko (andun mga resibo, pikchurs, atm ko, saka iba ko pang IDng mahalaga… and op cors… hehehe pera ko na galing sa nanay at tatay ko)
  4. bag ko (andun ang notes ko para sa semestreng ito… tigok ako pag nawala un… ayoko ng notes ng ibang tao.. gusto ko notes ko… kapag uma-absent ako… humihiram ako ng notes ng iba pero renirewrite ko pa rin notes nila or i don’t borrow their notes at all… saka andun ung 2 PDs na pinahiram ni Doc T para sa thesis namin, DMM, at breadboard naman na pinahiram ni Mang Sonny… Kung mawawala yun mabuti pang magunaw na lang ang mundo… o kahit si Mang Sonny na lang.. hehehe joks onli!…. saka andun rin pala kadalasan ang WALLET ko [see num 3])
  5. PC ko… (1000 kanta mahigit ang andun na hindi ko pa dinedelete kahit na sampung taon muna ang lilipas bago bumukas ang isang application dahil inaantay ko pa ang aking 80G na portable HD na sana lang madetect ng PC [yahooo!!!])
  6. flash disk ko… andun ang files ko na beri beri importante… at dun nakakabit ang ID ko (or vice versa.. hehehe depende sa tumitingin)
  7. salamin ko… mamatay ako pag nawala to… malamang masasagasaan ako…
  8. bahay ko… ang mga nakasulat sa itaas ay kadalasang nasa bahay ko…

About Na-o-mi

I'm a programmer-slash-mountaineer-slash-couch-potato-slash-part-time-blogger. Also a chronic-Pinoy-profanity-user. Currently overweight... BUT still trying her hardest to go back to that 45-lbs-ago body.
This entry was posted in BUHAY KO SA KASALUKUYAN... hmmm..... Bookmark the permalink.

Leave a comment